LICENSURE EXAMINATION FOR TEACHERS REVIEWER: FILIPINO PART I

Share:

FILIPINO PART I

1. Hindi totoo ang katapangan na ipinapakita ni Vincent sa harap ni Lalie sapagkat BAHAG ANG BUNTOT niya sa harap ng paghihirap.

A. Matapang
B. Matiyaga
C. Duwag
D. Malakas ang loob


2. NAG-ALSA BALUTAN si Claudia dahil sa malimit umanong pananakit ni Reymar.

A. Lumayas
B. Nagtampo
C. Nagtago
D. Nagmaktol




3. Ang ________________ ng mga Nars ay dininig ng komite kahapon.

A. Pakiusapan
B. Pakikipag-usap
C. Ipakiusap
D. Pakiusap


4. Lumapit si Prink kay Eadji at sinabing, “ __________ mo si Landon ng pagkain sa kusina.”

A. Utusan
B. Kunin
C. Kunan
D. Hanapan


5. Nakatulog si Jana sa kanilang opisina dahil sa HIMINGTING ng kapaligiran. Ano ang kahulugan ng salita na nasa malalaking letra?

A. Kaingayan
B. Kapayapaan
C. Lakas ng hangin
D. Katahimikan


6. Ang sentro ng pagdiriwang ng SENTENARYO ay sa Kawit, Cavite. Ang kasing-kahulugan ng salitang nasa malalaking letra ay: 

A. Ika-50 taon
B. Panghabang panahon
C. Ikasandaang taon
D. Ika- 25 taon


7. “Ang sinuman ay makabubuo ng matibay na lubid kung pagsasama-samahin ang sinulid.” Ang ibig sabihin nito ay?


A. Ang lakas ng tao ay nasa pagkakaisa nila.
B. Kailangan magkaisa tayong lahat.
C. Magkakaiba ang mga tao kaya hirap magkaisa.
D. Nagkakaisa ang mga tao.


8. MALIIT ANG SISIDLAN ni Dian kaya iniiwasan siyang tuksuhin ng mga kasama. Ano ang ibig sabihin nito? 

A. Walang pasensya
B. Walang pagtitimpi
C. Walang galang
D. Walang lakas ng loob


9. Siya’y isang bulag ngunit kaya niyang gumuhit ng larawan. Siya’y isang ___________________

A. Imbentor
B. Manunulat
C. Dalubhasa
D. Pintor


10. Anong hukuman ang siyang _____________ ng mga kaso ng korupsyon.

A. Court of Appeals-manglilitis
B. Sandigan Bayan-naglilitis
C. Korte Suprema-maglilitis
D. Ombudsman-tagapaglitis


11. _________________ mo naman sa kanila na magdala ng mapagsasaluhan.

A. Usap-usapan
B. Usapin
C. Ipakiusap
D. Pakiusap


12. “Gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito ay may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan.” (Luk 16:9)
Ano ang kahulugan ng sanlibutan?

A. Mga israelita lamang
B. Apostoles
C. Dukha
D. Katauhan


13. Ano ang pangungusap na dapat mauna?
I. Ngunit ang pagtatalo ay hindi dapat nauuwi sa pagkakagalit.
II. Natural lamang ang pagkakaroon ng magkakaibang pala-palagay ang mga tao.
III. Sa mga mag-asawa man ay hindi maiiwasan ang pagkakaiba ng opinyon.
IV. Kahit sa magkakapatid, karaniwan na ang hindi pagkakasundo.
V. Upang maiwasan ito, nararapat lamang na maging bukas ang ating isipan sa paniniwala ng iba. 

A. I.
B. II
C. III
D. IV 


14. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang na kasingkahulugan ng salitang pala-palagay? 

A. Opinyon.
B. Kuru-kuro
C. Paniniwala
D. Akala 


15. May pera sa basura. Huwag mong pagtakhan iyan.Isa-isahin mo ang laman ng iyong basurahan. Tiyak na may papel na walang sulat sa likod at maaari mo pa itong sulatan. Kung minsan, may mga papel at notebook na may sulat pero pwede mo namang ipagbili. May mga bukas na lata na maaari mo rin namang tamnan o kaya’y pwedeng balutin ng wrapping paper upang paglagyan ng lapis, bolpen, krayola, aspile o kaya’y pako. Ang pinagbalatan ng sibuyas, patatas at saging, sanga ng kangkong, tira-tirang pagkain ay maaaring maging pagkain ng baboy at maaari rin itong maging pataba sa lupa. Tunay na may pera sa basura kung magtitiyaga lamang at magiging malikhan upang ang patapong mga bagay ay maging kapaki-pakinabang. Anong uri ng texto ang seleksyong binasa?

A. Informativ
B. Argumentativ
C. Prosijural
D. Narativ


16. ____________ magtrabaho sina Fred at Jose. 

A. Magkasinbilis
B. Magkasingbilis
C. Napabilis
D. Magkasimbilis 


17. Samahan mo si Lola sa palengke _____ hindi maligaw.

A. kung saan
B. noong
C. ng
D. nang 


18. Upang lalong maging ______________ ang patakaran ng Pangulo na mabago ang pamamalakad sa bansa, ipinasya niyang magkaroon ng pagbabagong tatag sa lahat ng sangay ng pamahalaan.

A. marangal
B. mabisa
C. tanyag
D. malinaw



19. Nakalulungkot isipin na ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay ______________ sa masamang bisyo.

A. nababalisa
B. nalalayo
C. nabubuyo
D. nababalot


20. ________ ng mga pulis ang kadena sa kanyang mga kamay. 

A. Nalagyan
B. Nilagyan
C. Inilagay
D. Naglagay


Answers: 
1C 2A 3D 4C 5D 6C 7A 8A 9D 10B 11C 12D 13B 14C 15A 16B 17D 18B 19C 20C